Ni FER TABOY at ulat ni Yas D. Ocampo

Kaagad na nasawi ang tatlong binatilyo makaraang masabugan ng bala ng M203 grenade launcher na napagkatuwaan nilang ihagis sa apoy sa Barangay Daliaon sa Toril, Davao City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rain John Verano Alagenio, 15, estudyante; Aljen Verano Alagenio, 13, estudyante; at Julio Leoberos Limposanan, 17, pawang taga-Bgy. Daliaon.

Ayon kay Chief Insp. Ma. Theresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO), napulot ng tatlong binatilyo ang M203 grenade sa bukid at inihagis ito sa apoy kaya sumabog dakong 4:00 ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ni SPO1 Danilo Alngog, ng Toril Police, na sugatan na sa pagsabog nang matagpuan ni Rocky Limposanan Alagenio ang dalawa niyang anak at pamangkin.