Ateneo's Thirdy Ravena celebrates as they beat La Salle during the UAAP Season 80 Finals Game 3 at Smart Araneta Coliseum, December 3, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

'Nakabawi rin kami sa kampeonato' – Thirdy Ravena

BUMAHA ng kulay asul na ‘confetti’ sa MOA Arena, kasabay ang dausdos ng luha sa pisngi ng Ateneo Blue Eagles at mga tagahanga.

Sa harap ng record-crowd na 22,012, matikas na naghamok ang magkaribal na koponan para sa UAAP Season 80 men’s basketball championship, ngunit sa pagkakataong ito, ang tropa ng Katipunan ang nagdiwang sa center court matapos mailusot ng Ateneo ang 88-86 panalo kontra La Salle Green Archers.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nagpalitan ng three-pointer ang magkabilang panig sa huling dalawang minuto ng laro, ngunit pinakaimportanteng ang long-distance shot ng 6-foot-6 center-forward na si Isaac Go na nagbigay ng limang puntos na bentahe sa Blue Eagles may isang minuto ang nalalabi sa laro.

Bago ito, naisalpak ni Archer Andrei Caracut ang three-pointer para idikit ang iskor sa 80-82 mula sa double digit na bentahe ng Ateneo may 2:24 sa orasan.

Digit ang laban, tulad ng inaasahan, at natapos ang third period sa 66-all.

Magkasunod na three-pointer ang naisalpak nina Matt Nieto at Anton Asistio para hilahin ang bentahe ng Eagles sa 74-68 may 6:37 ang nalalabi.

Tuluyang nakuha ng Ateneo ang momentum, ngunit hindi sumuko ang La Salle at sa huling dalawang minuto ay nakipagtagisan ng lakas at determinasyon para maibaba ang iskor sa dalawang puntos na agwat.

“Salamat at nakabawi rin kami,” pahayag ni Blue Eagles shooting guard Thirdy Ravena. “Yung three-pointer ni Isaac (Go) ang dagger. Talagang napilayan sila doon,” pahayag ni Raveva, patungkol sa three-pointer ni Go mula sa kanyang assist nang ma-trapped siya ng depensa ng Archers.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo mula nang makumpleto ang makasaysayang ‘five-peat’ noong 2013 sa pangangasiwa ni coach Norman Black.

Nabigo man na makumpleto ang kasiyahan matapos tanghaling MVP ng season, iginiit ni Ben Mbala na masaya siya at tunay na palaban na koponan ang umagaw sa kanilang korona.

“Well deserved win. We played tough, they play tough. It happens that luck went on their side in the crucial minutes,” sambit ni Mbala.