PINANGUNAHAN nina Rizumu Ono, Val Stephen Jaca at Hua Ching ang pagtanggap sa medalya sa katatapos na 1st Chief Philippine National Police (PNP) Bato Cup Battle of the Champions Table Tennis Championships nitong weekend sa Garden Square sa Harrison Plaze, Manila.

Itinataguyod ang torneo ng San Miguel Corporation (SMC).

Ginapi ni Ono, pambato ng Jay Omila Sports Academy, si dating national player Arlene Borja ng Omila Sports Academy, nagwagi sa women’s open singles tng tatlong araw na torneo na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Table Tennis Association of the Philippines (TATAP).

Inaasahang magkwa-kwalipika si Ono sa 2020 Tokyo, Olympics.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naungusan ni Zoren Mendiola ng Hua Ching Foundation, 3-1, para sa men’s singles event open crown ng torneo na itinataguyod din ng PSSLAI, AMWSLAI, Emperador, Trust Trade, Armscor, PRO Regional Directors at PNP Finance Service.

Ang Hua Ching Foundation ay binubuo nina Zoren Mendiola, Stephen Andrew Timson, Dannel Jay Tormis, Nikko Oliva, Joseph Cruz, Francis Bendebel at Chen Ying ang naguwi ng ‘Battle of the Champions’ trophy at kaakibat na P100,000 cash prize kontra Table Tennis Association of North District (TATAND) sa Finals, 3-1.

Ginapi ni LTC Lawrence Naldoza ng Philippine Air Force si PSUPT Bonnie Chua ng PNP Table Tennis Club, 3-0, para makopo ang Law Enforcement event trophy, habang binokya ni Arnie Uy ng TATAND si Marcus De Jesus ng TATAND, 3-0, sa Executive event crown.

“We are glad that the tournament has achieved its goal of promoting a competitive table tennis nationwide and we are so thankful to all who participated locally and internationally. We are targeting a better tournament and more participants next year,” sambit ni PSSupt. Michael John Dubria, chairman ng Organizing Committee.