DALLAS (AP) — Nasa laylayan ng team standings ang Dallas. Ngunit, hindi pa tapos ang laban para sa Mavericks.
Ratsada si Dirk Nowitzki at ang Mavericks tungo sa makasaysayang kampanya at career milestone para kay coach Rick Carlisle.
Naisalpak ni Nowitzki ang lima sa 16 na three-pointer ng Dallas tungo sa dominanteng 108-82 panalo kontra Los Angeles Clippers nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Ang panalo ang ika-700 career victory para kay Carlisle. Tinanghal siyang ika-18 coach sa kasaysayang ng NBA na nakapagtala ng 700 o higit pang panalo. Tanging sina San Antonio Spurs coach Greg Popovich (1,164) at Clippers’ Doc Rivers (812) ang dalawang aktibong coach na kasama sa listahan.
“It just means that I’ve been very fortunate,” pahayag ni Carlisle. “As time goes on, I count those things even less. It’s day to day and trying to improve the situation.”
Galing ang Dallas sa magkasunod na kabiguan matapos ang tatlong sunod na panalo. Hataw din si J.J. Barea sa naiskor na 21 puntos at 10 assists, habang kumana si Devin Harris ng 15 puntos.
“700. That’s a lot of wins. We’re happy to get it for him,” sambit ni Nowitzki. “He’s been great for the league. He’s been around forever, got great knowledge of the game. That’s a big milestone. We’re happy for him. We presented him with the game ball afterwards.”
Naitala ng Mavericks (6-17) ang unang walong puntos at hindi nakatikim ng paghahabol bunsod ang matikas na opensa tampok ang 16-of-35 sa three-point area.
Nanguna si DeAndre Jordan sa Clippers (8-13) na may 14 puntos at 17 rebounds, habang tumipa si Lou Williams ng 18 puntos.
CAVS 116, GRIZZLIES 111
Sa Cleveland, hataw si LeBron James sa nakubrang 34 puntos, tampok ang pito sa huling 1:22 ng laro oaea sandigan ang Cavaliers kontra Memphis Grizzlies.
Natamo ng Memphis ang ika-11 sunod na kabiguan, kabilang ang tatlo mula ng sibakin si David Fizdale nitong Lunes at palitan bilang coach ng Memphis.
Nanguna si Tyreke Evans sa Memphis sa natipang 31 puntos at 12 assists, habang kumana si Marc Gasol ng 27 puntos at lagpasan ang 10,000 career points.
CELTS 116, SUNS 111
Sa Boston, naisalpak ni Kyrie Irving ang three-pointer at sinundan ng driving basket sa krusyal na sandali para sandigan ang Celtics kontra Phoenix Suns.
“Kyrie’s ability to make those shots with very little space is pretty impressive,”pahayag ni Celtics coach Brad Stevens. “We put ourselves in a bad spot after that fourth-quarter run.”
Tumapos si Irving na may 19 puntos, habang nagsalansan sina Jaylen Brown at Marcus Morris ng tig-17 puntos at nag-ambag si Jayson Tatum ng 15 puntos.
Nanguna si Devin Booker sa Phoenix sa naiskor n na season-high 38 puntos.
Sa iba pang laro, ratsada si Giannis Antetokounmpo sa nakubrang 33 puntos para sandigan ang Milwaukee Bucks kontrae Sacramento Kings, 109-104; nagtala ng double-double – 25 puntos at 10 rebounds – si Joel Embiid ng 25 puntos at 10 rebounds sa panalo ng Sixers kontra Sacramento Kings, 108-103; namayani ang Denver Nuggets kontra Los Angeles Lakers, 115-100.