Ni NORA CALDERON

FEELING contented si Marian Rivera sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya -- endorsements, projects o work at awards.

MARIAN copy

Kamakailan ay lubos ang pasasalamat ni Marian nang mapili siya ng mga estudyante ng Eton bilang Pillar of Hope awardee. Nagpasalamat siya sa kabataan na siya at ang mga advocacy pala niya ang itinuturing na example, ganoon din bilang ina at mabuting mamamayan ng bansa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nitong nakaraang linggo naman, tinanggap ni Marian ng isang letter na ipinadala sa GMA Network para makarating sa kanya.

Naririto ang nilalaman ng sulat...

“Dear Ms. Rivera: We are pleased to share with you the official communication from the Commission on Filipinos Overseas (CFO) informing you that Tadhana was chosen as the winner for the Television Journalism Award – Best TV Series Category of the 2017 Migration Advocacy and Media (MAM) Awards.

“Congratulations and we look forward to seeing you this December.” @tadhanagma

Ang Tadhana ng GMA-7 na napapanood tuwing Sabado, after ng Ika-6 Na Utos ay nagpapakita ng mga tunay na karanasan ng overseas Filipino workers (OFW). Nagpapakita sila ng magagandang nangyayari sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa upang maging inspirasyon ng kapwa Pilipino. Pero nagpapakita rin sila ng mga kuwento ng malulungkot na kinahantungan ng mga kababayan natin doon, para maging ehemplo rin ng mga kababayan natin upang mag-ingat sa pag-aaplay ng trabaho sa ibang bansa.

Ang isa pang ipinagpapasalamat ni Marian ay ang patuloy na pangunguna sa rating ng kanyang primetime drama-action-fantasy series na Super Ma’am. Wala siyang ni katiting na reklamo kahit mahihirap na eksena ang ginagawa niya at naglo-location sa malayong lugar, para maibigay ang tamang eksena. Mas nagpapasalamat siya sa mga kasama niya sa cast, sa director nilang si LA Madridejos at sa buong production staff. 

Dahil sa big success ng Super Ma’am, sinasabing muli itong mai-extend at tatagal pa hanggang sa February.