TINANGHAL na ikalawang Filipinong kampeon si Mark John Lexer Galedo ng Continental Team na Seven Eleven Roadbike Philippines sa pagtatapos ng 11th Hell of the Marianas Century Cycling race sa Saipan.

Dahil sa panalo ni Galedo, nakumpleto rin ang back-to-back win para sa mga Pinoy riders sa nasabing karera na mas pinakamahaba sa pagdadagdag ng 15 kilometro ngayong taon kasunod ng tagumpay ni Jan Paul Morales sa nakalipa na edisyon.

Naorasan ang dating Le Tour de Filipinas champion ng tatlong oras, 15 minuto at 51 segundo.

Nagkapalit sila ng puwesto ngayon ni Morales na syang nagwagi noong nakaraang taon sa karerang may distansya noong 100 kilometro makaraang pumangatlo ng huli sa taong ito.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Nuong una mahirap kasi at tumatama sa mukha mo ang araw, against the light nung pababa na kami ng Bird Island kaya nahirapan ako dun. Mahirap din sa part na iyon dahil dumudulas ang gulong ko sa likod kaya alalay lang din muna,” pahayag ni Galedo.

“Tinignan ko ang ibang nasa lead group, sabi ko sa sarili ko walang kumikilos. Kaya umatake na ako at nung nagkaroon na ako ng unting gap sa kanila, tinuloy tuloy ko na,” aniya.

Pumangalawa kay Galedo ang kakampi ni Morales na si Ronald Lomotos ng Philippine Navy-Standard Insurance na nahuli lamang ng apat na segundo upang makumpleto ang 1-2-3 finish ng mga Pinoy.

“Nung medyo malayo pa dikit dikit pa din kami. Pero sinubukan ko pa kung may lakas pa ako at check ko din sila. Nung nakita ko sa final 15 kilometers na meron pa, tinodo ko na. Medyo lumayo ako sa last four kilometers,” ani Galedo

“Headwind at iyong init ang kalaban mo dito. Talagang Hell nga ang race na ito. Iba ang dapat na atake mo sa mga paahon dito at dumudulas ang gulong mo. Kaya nag ingat din ako alalay din. Okay na ang mag habol kesa mag-crash ka at makatapos ng may mga sugat,” ayon naman kay Lomotos.

Naorasan naman si Morales ng 3:21:32 .

“Siyempre medyo frustrating, pero masaya pa din dahil Pinoy ang nanalo. Next year, for sure babalik ako para kunin uli ang title,” ani Morales. - Marivic Awitan