Ni ADOR SALUTA

NILINAW ni Derek Ramsay, nang mainterbyu ng reporters sa grand presscon ng All of You movie nila ni Jennylyn Mercado last Friday, na hindi siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Sabi ni Derek, mananatili pa rin siyang Kapatid talent kahit may offer ang ibang network.

Derek at Jennylyn
Derek at Jennylyn
“I’m still under contract with TV5, so my loyalty is with TV5,” bungad niyang sabi. “My contract expires April of next year so they have all of me and I’m gonna give a 100% to TV5 because I am committed to them.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ano ang kanyang plano pagkatapos ng kanyang kontrata sa TV5?

“After that, if they still want my services then I will give them that respect, at siyempre sila pa rin yung priority. But if not, I’ll see what happens.”

Matatandaang tumuntong ang aktor sa bakuran ng ABS-CBN last November 16 at mainit na sinalubong ng ilang executives and naglabas ng releases ang Dos na nagkalimutan na sila ng sigalot na idinulot ng paglipat niya sa TV5 noong 2012.

Lumabas na rin ang balita na gagawa ng pelikula sa Star Cinema si Derek kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

“It’s more of we finally had that talk that was long overdue to squash whatever it is that happened. It’s a courtesy call,

I got to speak with Tita Malou (Santos), Tita Cory (Vidanes), Gabby Lopez, just to show that... kasi it is a big thing and we never had closure. So I vented out why and they vented out why.

“It was just like a bunch of friends na nagkatampuhan and we walked out there, relieved, and to look forward which is this movie with Bea and Paulo, which will start off on January. It’s a big project.”

Hindi niya iniintindi ang mga sitsit kung bakit siya gagawa ng pelikula sa produksiyon na may mga nakaaway siya.

“I guess people would question, ‘I thought, why would he be doing a movie with Star Cinema if there’s animosity between the two?’ But you know, I had no hate against ABS-CBN. It was more of hurt, and the same thing with them, and we were able to clear it all out.”

Anyway, excited na si Derek sa pelikula nila ni Jennylyn na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival. Two years ago, nasubukan na ang kanilang tambalan sa English Only, Please, na hindi lang nangolekta ng awards kundi’y naging box office hit pa.

Inaasahan na madu-duplicate nila ang success na ito sa All of You ng Quantum Films.

“After two years, ito na naman po kami at masayang makatrabaho muli (si Jennylyn). Iba ang level ng drama dito, napaka-intense. More mature,” aniya. “Sa umpisa ng shooting, uncomfortable kami, do’n kasi sa English Only, Please palagi siyang nagpapatawa.”

“Matagal kasi kaming ‘di nagkatrabaho,” salo ni Jen. “This time, iba na ‘yong atake. Mabibigat ang mga eksena, andami pang love scenes,” sabay ngiti. “Si Derek naman hindi nagbabago ang personality, kailangan ko siya,” makahulugang pahayag ng aktres.