BEIJING – Inilunsad ni eight-division world champion Senador Manny Pacquiao ang Manny Pacquiao International Boxing Academy dito sa seremonyang isinagawa nitong Sabado sa Daioyutai Hotel dito.

Sa naturang paglulunsad, lumagda rin si Pacquiao sa ‘comprehensive agreement’ sa Chinese partner niyang si Vincent Zhou ng Dancing Sports para palakasin ang programa sa boxing ng China at patatagina ng ugnayan ng dalawang bansa batay na rin sa isinusulong ni Chinese president Xi Jingpin na ‘Belt and Road program’ sa buong mundo.

“Yesterday, I met with President Xi and Prime Minister Li Keqiang, and I am glad that the high level relationship between China and the Philippines is going further,” pahayag ni Pacquiao.

“President Xi’s Belt and Road initiative is very important, it will help countries along exchanges and cooperation at all levels across borders. It is not difficult to see that the signing of this comprehensive agreement is exactly the implementation of the two top leadership initiatives of China and an important action to promote cooperation between China and the Philippines.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginiit naman ni Vincent Zhou na ang programa ay magbibigay sa China nang karagdagang ayuda para sa hangaring maging world class.

Gaganapin ang unang boxing card ng Zhou’s Dancing Sports at ni Pacquiao sa Setyembre tampok ang laban ni light flyweight prospect Lu Bin, nagwagi sa vacant WBC Asian Boxing Council Silver kontra Wanchai Nianghansa ng Thailand kamakailan.