Marc Justine, Miggs at Micko
Marc Justine, Miggs at Micko

Ni MELL T. NAVARRO

SA unang pagkakataon, nagsama-sama sa advocacy film na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa ang tatlong award-winning child actors ng Philippine Cinema na sina Miggs Cuaderno, Micko Laurente, at Marc Justine Alvarez.

 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bihirang mangyari ang pagkakataong na mai-cast sa isang pelikula ang mga batang aktor na pinarangalan na ng iba’t ibang award-giving bodies.

 

Sa kanilang murang edad, nakatikim na silang umakyat sa entablado upang tanggapin ang kanilang acting trophies. 

 

Tinatalo pa nga nila ang adult co-nominees nila sa kategoryang Best Supporting Actor sa award-giving bodies na walang Best Child Performer category kaya magkakalaban ang adult and child actors.

 

Si Miggs ang may pinakamaraming acting awards sa kanilang tatlo. He won best child actor for Asintado (PMPC Star Awards for Movies 2015 and FAMAS 2015), best supporting actor for Children’s Show (Cinemalaya 2014), at acting honors rin for Qucik Change (Cheries-Ceris International Film Festival 2014).

 

Si Micko ay nagwagi naman bilang best supporting actor for Pitong Kabang Palay (ToFARM Film Festival 2016) and best child actor for Bambanti (PMPC Star Awards for Movies 2016).

 

Si Marc ay winner ng breakthrough performance by an actor award for Transit (Golden Screen Awards 2014) at part ng Ensemble Acting award for the same film sa Cinemalaya 2013.

 

Bukod sa mga ito, may multiple nominations sila sa iba’t ibang grupong nagbibigay-parangal sa pelikula.

 

Bida sa Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa si Alfred Vargas bilang magsasaka na nagpanggap na titser upang mailigtas ang mga batang maging child warrior.

Muntik nang maunsiyami ang commercial release nito sa December 6 (Miyerkules) dahil sa nakuhang “X” sa unang rating o classification nito mula sa MTRCB, na ang idinahilan ay “significant violent scenes”.

 

Ngunit sa second review (with another set of MTRCB reviewers), approved na ang pelikula with a PG-13 rating, with minor cuts.

 

Ayon kay Direk Perry Escaño, very minimal cuts ang ginawa niya sa pelikula kaya hindi nawala ang integrity ng storytelling at mensahe, tungkol sa kahalagahan ng edukasyon upang hindi maging child warrior sa panahon ng giyera sa ilang probinsiya sa bansa.

 

Halos nasa 12-13 years old bracket sina Miggs, Micko, at Marc, kaya tuwang-tuwa sila dahil mapapapanood na ito ng kanilang mga kaibigan kasama ang mga magulang starting Wednesday next week.

 

Tampok din sa Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa sina James Blanco, Mon Confiado, Lou Veloso, Loren Burgos, Kiko Matos, at maraming iba pa.