BUWIS buhay ang Adamson Cheering Squads sa kanilang routine na nagpahanga sa mga hurado at nagbigay sa kanila ng unang titulo sa UAAP Cheer Dancing championship nitong Sabado sa MOA Arena. (MB photo |           RIO DELUVIO)
BUWIS buhay ang Adamson Cheering Squads sa kanilang routine na nagpahanga sa mga hurado at nagbigay sa kanila ng unang titulo sa UAAP Cheer Dancing championship nitong Sabado sa MOA Arena. (MB photo | RIO DELUVIO)

MATAPOS makapagtala ng podium finish noong isang taon, inangkin ng Adamson Pep Squad ang una nilang titulo sa UAAP Season 80 Cheerdance Competition nitong Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang halos perpektong performance ng kanilang routine na uminog sa mga 80’s hits ng sikat na banda noong VST & Company ang nagsilbing susi upang makamit ng Adamson ang una nilang cheerdance title.

Nakakuha sila ng pinagsamang 663.50 puntos upang maiuwi ang pangunang premyong P340,000.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pumangalawa sa kanila at nakabalik sa podium pagkaraang malaglag noong isang taon ang University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe na nakakuha ng 638.50 puntos at premyong P200,00 sa ipinakita nilang Crouching Tiger-inspired performance.

Sa unang pagkakataon din, nakasalta sa podium ang University of the East Pep Squad makaraang tumapos na pangatlo sa nakuhang 634.50 puntos. Naiuwi nila ang premyong P140,000.

Binigo ng Adamson ang tangkang 5-peat ng National University Pep Squad na sa simula pa lamang ay natadtad na ng errors ang performance na siya ring dahilan ng pagkalaglag nila sa podium.

Tumapos silang pang-apat kasalo ng season host Far Eastern University na nakakuha ng 610.50 puntos kasunod ang nagbalik kompetiyong University of the Philippines na may 575.50 puntos.

Bumawi naman ang FEU sa Group stunts competition matapos silang magwagi doon, habang pumangalawa sa kanila and Adamson Pep at pangatlo ang UP. - Marivic Awitan