MAGTATANGHAL ang ilang sikat na mang-aawit at recording artists sa paglulunsad ng Manila Broadcasting Company at Star City sa 2017 MBC National Choral Competition, na gaganapin sa Aliw Theater.

Si TJ Monterde ang mangunguna bukas, Disyembre 5, kasunod naman si Ylona Garcia sa Disyembre 6. Ang grupong The Attitudes naman ang guest sa December 7, at si Bryan Termulo ang tampok sa Disyembre 8. Para sa grand finals sa Disyembre 9, aawit sina Tanya Chinita ng 90.7 Love Radio at gayundin sina Donnalyn Bartolome at Migz Haleco.

Apatnapu’t isang batikang mga choir mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition. Mag-uuwi ng P150,000 ang magwawagi sa open category, at P100,000 naman para sa children’s division.

Salamat sa suporta ng Columbia Products International, Sosro Fruit Tea,55 Tuna, JRS Express, Green Cross Germicidal Soap, Cherifer, Dunkin Donuts at Argentina Corned Beef.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Alas singko magsisimula ang labanan gabi-gabi. Para sa karagdagang mga impormasyon, mag-email sa [email protected] o tingnan sa Facebook ang official page ng MBC National Choral Competition.