NI: Argyll Cyrus B. Geducos

Minsan pang inihayag ng Hollywood actor na si Steven Seagal ang kanyang suporta kay Pangulong Duterte, nang sabihin niya nitong Biyernes na laging magtatagumpay ang mga laban ng Presidente, kahit na minsan ay may katagalan ang pagkakamit nito.

President Rodrigo Roa Duterte poses for a selfie photo with Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go, Hollywood actor Steven Seagal, and Philippine National Police (PNP) Director General Ronald dela Rosa during the President's visit at Camp General Teodulfo Bautista in Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu on December 1, 2017. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte poses for a selfie photo with Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go, Hollywood actor Steven Seagal, and Philippine National Police (PNP) Director General Ronald dela Rosa during the President's visit at Camp General Teodulfo Bautista in Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu on December 1, 2017. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Isinama ni Duterte ang kanyang 65-anyos na “good friend” na si Seagal nang bumisita siya sa mga sundalo sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu nitong Biyernes.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nang hingan ni Duterte ng mensahe para sa mga sundalo, binigyang-pugay ni Seagal ang mga ito sa pagtatagumpay sa limang-buwang giyera laban sa Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Sur.

“I think the main thing we all have to keep in our hearts is we don’t win this battle today. We don’t win this battle tomorrow. It’s gonna be a long fight, but the idea is to annihilate the enemy through attrition,” lahad ni Seagal sa mga sundalo.

“It’s gonna be a long battle, but slowly, day by day, week by week, month by month, year by year, the enemy will get smaller and finally they will be gone to the point where it is absolutely and positively controllable,” dagdag pa niya.

Pinuri niya rin ang militar sa kanilang dedikasyon sa bansa, sa Pangulo, at sa kanilang determinasyon “to do the things you have to do to make the Philippines safe.”

Ayon kay Seagal, laging mananalo ang anumang laban ni Duterte at umaasa siyang magiging bahagi ng tagumpay na ito balang araw.

“We have a problem. We have kidnapping, narco-trafficking, human trafficking, organ trafficking and terrorism. I know you guys put your life on the line every day. I, myself, have done and will do the same thing so I understand this is serious business,” ani Seagal.

“I believe there is a formula that can help the armed forces, the police, the intelligence network to combat this very, very well. I am looking forward to discussing these things with President Duterte at a later time,” dagdag pa niya. “I hope I can be involved with all of you in this war against all of these evil things.”