Ni Charissa Luci-Atienza

Nais ng isang opisyal sa Kamara na ipagbawal na ang pagdura sa mga pampublikong lugar dahil ang nakagisnan nang gawaing ito ng ilan sa atin ay “highly unhygienic and risky”.

Sinabi ni Quezon City Rep. Winnie Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na ang pagdura sa publiko ay dapat nang ipagbawal.

“Spitting has been identified as a factor in the spread of tuberculosis. Recent study shows that the number of deaths due to TB stands at an average of 75 Filipinos every day,” sabi ni Castelo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, sa buong Pilipinas ay tanging Davao lamang ang may umiiral na batas laban sa pagdura, at ipinatutupad ito simula 2010 pa.

“Empirical data reveal that a number of people are in the habit of spitting in public places. This unsanitary practice has to stop. Allowing this practice to go unchecked puts the health of our countrymen at great risk,” sabi ni Castelo. “Hence, spitting in public throughout the country should now be proscribed.”

Alinsunod sa HB 6637, o ang National Spitting Act, ipinagbabawal sa bawat isa ang pagdura saan mang pampublikong lugar, indoor man o outdoor.

Ang kaukulang parusa sa paglabag sa nasabing batas ay itatakda ng Department of Health (DoH), na magpapalabas din ng implementing rules and regulations.