Ni: Lyka Manalo
LEMERY, Batangas - Labing-anim na kandidata mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang kalahok sa Mutya ng Batangas 2017, na kokoronahan sa Sabado, Disyembre 9.
Ayon kay Mutya ng Batangas Organization (MBO) Chairperson Emily Katigbak, pumili sila ng mga kandidata mula sa rekomendasyon ng mga lokal na pamahalaan para maging kinatawan ng kanilang bayan.
Sinabi ni Katigbak na gagawin ang coronation night sa Marble Terrace sa loob ng kapitolyo, sa ganap na 7:00 ng gabi.