MAS malaking panganib ang nagbabadya sa buhay ni Cardo (Coco Martin) dahil sabay-sabay nang aatake ang kanyang mga katunggali sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang nangungunang serye sa bansa.

Wala nang kawala si Cardo at ang mga kasamahan niyang Pulang Araw dahil patuloy na isisisi sa kanila ni Director Hipolito (John Arcilla) ang sunud-sunod na pagsabog ng mga bomba sa Maynila, na lalong sisira sa kanilang reputasyon.

Kasabay din nito ang planong paghihiganti ni Don Emilio (Eddie Garcia) at pakikipagtulungan nito kay Sen. De Silva (Joko Diaz) upang matugis ang mortal na kaaway.

Sa kabila naman ng mga pagsubok, patuloy na tutulungan si Cardo ng kanyang Lolo Delfin (Jaime Fabregas) at ng asawang si Alyanna (Yassi Pressman) sa paghahanap ng katotohanan sa katawaliang nangyayari sa gobyerno.

Tsika at Intriga

'Englishera Girl' sa mga bumatikos sa kaniya: 'I didn't do anything wrong!'

Malantad na kaya ang katotohanang si Direktor Hipolito ang may kagagawan ng lahat ng kasamaan? Patuloy kayang maging ligtas sa kapahamakan Cardo?

Tutukan ang maaaksiyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episode ng palabas, mag-log in lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.