Ni REGGEE BONOAN

HINDI pabor sa live-in si Jennylyn Mercado, mas gusto pa rin niyang ikasal muna bago magsama ang dalawang taong nagmamahalan.

Binanggit ito ng aktres sa grand launch ng All of You na pinagbibidahan nila ni Derek Ramsay, isa sa walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2017 at mapapanood na simula Disyembre 25.

JENNYLYN copy copy

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“Kanya-kanyang desisyon ‘yan ng mga babae,” umpisang paliwanag ni Jen, “‘yung iba gusto nila magkasama na sila para i-test nila ang isa’t isa kung kaya ba sa next level. ‘Yung iba naman ayaw nilang tumuntong sa ganu’ng level kasi medyo may fear, natatakot sila, ayaw pa nila kasi gusto pa rin nilang ma-experience ‘yung buhay na walang kasama, single life at kahit may boyfriend sila.”

Isa ba siya sa may takot sa pakikipag-live-in kaya ayaw niyang sumubok?

“Hindi naman ako natatakot, hindi rin naman ako hindi agree sa live-in. Sa ngayon kasi wala pa ako sa ganu’ng level.

May anak kasi ako (si Alex Jazz), so gusto ko, nasa bahay ako kasama ng anak ko.

“Kasi ako lang naman ang nanay niya, wala naman kaming ibang kasama sa bahay, wala na rin naman si Lola, so as much as possible gusto ko ako lang kasama niya sa bahay,” klarong sagot ni Jen.

Hindi ba siya naiinggit sa mga kasabayan niya noon sa Starstruck at ilang kaibigan na nagpakasal na?

“Bakit naman ako maiinggit? Basta masaya kayo, di ba? Wala pa, wala pa po talaga. Kasi unang-una, may anak ako at ang bata pa po ng anak ko (9 years old ngayon). Gusto ko pa siyang makasama. At saka ang dami ko pa rin gustong gawin.

Huwag kayong mag-alala, kapag ikakasal ako, sasabihin ko, ha-ha-ha!”

Paano kung yayain siya ng boyfriend niyang si Dennis Trillo na mag-live ?

“Hindi ko pa po alam kung ano’ng ma’sasagot ko, kasi wala pa talaga. Basta nag-i-enjoy lang kami,” sagot ni Jennylyn.

Hindi ba naghahanap si Jazz ng father image?

“Hindi naman, kasi si Patrick (Garcia) dumadalaw naman sa bahay kaya alam niya na ‘daddy ko ‘to’ at alam niya ang sitwasyon namin.”

Masayang ikinuwento ni Jennylyn na maganda na ang samahan nila ngayon ni Patrick.

“Ang laking pasasalamat ko rin sa asawa niya, kay Micka, kasi very supportive sila, parang silang dalawa ni Patrick ‘yung tatay (ni Jazz). Masaya ako na very open si Micka, very understanding, napakabait,” papuri ni Jen sa asawa ng aktor.

Close si Alex Jazz sa mga kapatid kay Patrick, “Kasi everytime na dadalaw sila sa bahay, kasama ‘yung mga bata, kumpleto sila. Puwede na ring mag-overnight si AJ kina Patrick,” na hindi nito nagagawang dati.

“Mahirap kasi, di ba, may kundisyon si Jazz. Mahirap, kasi kapag hindi ka sanay, kasi noon maliit pa siya, ngayon nine years old na siya, nakakatakot lang na kapag nasa ibang bahay kahit na tatay niya ‘yun, mahirap ‘yung handling (kasi may tantrums). Pero ngayon, nagagamay na niya.”

Samantala, ang All of You ay kuwento ng babaeng nahiwalay sa fiancé kaya natakot nang magmahal uli. Malayo raw ang karakter na ginagampanan niya sa totong buhay dahil hindi pa naman siya umabot sa kasalang hindi natuloy.

“Hindi naman ako takot magmahal in real life kasi hindi naman ako umabot pa sa ganu’n na nagbawian ng singsing kasi engaged na, wala naman. Hindi ko pa na-experience,” sey ng akttes.

Aminado ang aktres na sa rami na ng mga pelikulang nagawa niya ay itong All of You ang pinaka-daring sa rami ng love scenes nila ni Derek -- na umabot sa apat o lima.

“Grabe! Para sa akin ito ang pinaka-daring na nagawa ko. Kailangan talagang gawin ‘yun. Lumabas naman nang tama. Kasi baka mamaya kapag napanood ng mga tao, daotin naman kami na parang ilang na ilang naman,” kuwento ng aktres.

Anong klaseng daring ba?

“Walang pangtaas. ‘Yun na ‘yung pinakaano, eh, todo na ‘yun sa akin. May plaster naman sa harap, ‘yung sa likod ang wala, ‘yung talagang wala sa likod.”

Panonoorin ba nila ni Dennis ang All of You?

“Never naman ‘yang nakapanood ng movie ko, eh. Siguro, ayaw lang niyang mailang. Kahit ako, kapag may mga ganu’n, ayoko ring nanonood. Pareho kami.”

Dati na niyang naging leading man si Derek sa box office hit na English Only, Please kaya reunion movie nila ito.

“Happy ako na si Derek (pinalitan si Jericho Rosales, na umatras) kasi napakakomportable ko na sa kanya. Hindi na ako naiilang, wala nang problema. Kung baga, pagdating namin sa set, take agad, wala nang ilangan,” napangiting sabi ng aktres.

Produced ang All of You ng Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios, at Planet Media Production. Co-stars nina Jennylyn at Derek sina Via Antonio, Hannah Ledesma, Kean Cipriano, Solenn Heussaff, Nico Antonio, Milo Elmido at iba pa.