Ni ROBERT R. REQUINTINA

SI JENNY KIM, 23, ng South Korea ang kinoronahang Miss Supranational 2017 samantalang pumasok naman sa Top 10 ang ating pambatong si Chanel Olive Thomas sa beauty pageant na ginanap sa Poland kahapon.

Jenny Kim 2 copy copy

Bago naging Miss Supranational 2017, naging kinatawan si Jenny ng kanyang bansa sa 2016 Miss Universe beauty pageant na ginanap sa Manila noong Enero 30. Hindi siya nakakuha ng anumang puwesto sa patimpalak.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nag-aaral si Jenny sa Ewha Womans University, double major sa international office administration at English language and literature. Nagboluntaryo rin siyang maging interpreter sa National Museum of Indonesia sa Jakarta.

Ang iba pang nagsipagwagi ay sina Tica Martinez, Colombia, 1st runner-up; Bianca Tirsin, Romania, 2nd runner-up; Bitaniya Yosef, Ethiopia, 3rd runner-up; at Larissa Santiago, Puerto Rico, 4th runner-up.

Pumasok naman sa Top 10 si Channel kasama ang mga kandidata ng Costa Rica, Portugal, Poland at Thailand.

Ang ibang mga kandidata naman na nakasali sa Top 25 ay ang mga kinatawan ng Albania, Australia, Bolivia, Brazil, India, Indonesia, Italy, Jamaica, Japan, Mexico, Peru, Serbia, South Sudan, Wales, at Vietnam. 

Bago ginanap ang finals, pumangalawa si Chanel sa Best in Swimsuit sa pamamagitan ng online voting. Iniuwi ni Miss Vietnam ang naturang special award.

Sa swimsuit portion, nagsuot si Chanel ng bejeweled red bikini na idinisenyo ni Edwin Uy.

Animnapu’t limang kandidata mula sa buong mundo ang nagtunggali sa Miss Supranational 2017 pageant na ginanap sa Slovak Republic at Poland.

Noong 2013, naiuwi ni Mutya Johanna Datul ng Philippines ang titulo ng Miss Supranational contest, ang kauna-unahang kandidata na nagwagi sa karangalan para sa Asya at sa Pilipinas.