Ni: PNA
POSITIBO ang Department of Health (DoH)-MIMAROPA na makakamit ng Palawan ang target nitong matuldukan na ang mga kaso ng malaria sa lalawigan pagsapit ng 2020, ayon kay Regional Director Dr. Eduardo Janairo.
Inihayag ni Janairo, na nagpunta sa Puerto Princesa City para sa National Malaria Awareness Day-9th Malaria Congress nitong Miyerkules ng umaga, na malaki ang tsansa na maideklarang malaria-free na ang probinsiya sa susunod na taon dahil tiwala ang DoH-MIMAROPA na makapagbibigay ito ng “all-out support” upang makamit ang target.
“Yes, we hope we can achieve that. There is a possibility that it might be achieved, especially next year because we will give all the support. We don’t care whether fund is from foreign-assisted project or local-assisted project but MIMAROPA Region will do something about that. We will put funds into it,” ani Janairo.
Idinagdag pa ng regional health director na napapanahon nang maging “worried about malaria” ang lahat, dahil naranasan na ito ng Pilipinas sa napakaraming taon.
“We have malaria for so many years… generations… hundreds of years… and until now, the focus that is given still seem minimal. The simple way to get rid of it is for people to mobilize themselves, and to maintain a clean environment,” dagdag pa niya.
“But we have to understand that malaria… its elimination is development, or urbanization. All areas in Manila used to have malaria in the past. But now it has almost zero malaria because the breeding areas are no longer conducive for them. Change of environment can cause removal of malaria,” pagpapaliwanag ni Janairo.
Gayunman, sinabi niya na hindi kailangang baguhin ang kapaligiran sa MIMAROPA, partikular sa Palawan. Ang kinakailangan lamang ay panatilihin ng mga residente na malinis ito.
“You cannot say that a person has no malaria unless he/she is tested. Here in Palawan, if you think that a person has no malaria because he/she is not showing symptoms, you can still be wrong as there are asymptomatic cases,” lahad ni Janairo, at sinabing napatunayan na nila ito.
Para sa malaria control program ng Palawan, hindi na magiging problema ang pagsugpo sa sakit kung ititigil na ng mga residente ang paniniwala sa mga tradisyunal na manggagamot, kung kaagad na magpapasuri ng sakit para sa agarang lunas, at kung hihintuan ang paggamot sa sarili.