NI: Ellalyn De Vera-Ruiz at Light A. Nolasco

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ang Department of Agriculture (DA) “[has] successfully contained” ang bird flu sa Cabiao, Nueva Ecija.

Naiulat ang kaso ng bird flu sa isang manukan sa Cabiao dalawang linggo na ang nakalipas subalit nitong nakaraang linggo lamang ito iniulat ng media.

Ayon kay Piñol, Nobyembre 12 nang iulat sa DA ng lokal na pamahalaan ng Cabiao ang kaso ng bird flu sa lalawigan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“It was immediately acted upon by Cabiao officials led by Mayor Ramil Rivera who directed veterinary officials to submit specimens to the Regional Animal Disease Detection Laboratory,” ani Piñol. “When the tests turned out positive, he ordered the immediate culling of 42,000 heads of egg layers completing the task on November 22.”

Sinabi naman ni Alejandro Abesamis, provincial administrator ng Nueva Ecija, na walang ipinatutupad na quarantine sa Cabiao, subalit patuloy na magbabantay ang pamahalaang panglalawigan kung may nahawa pang ibang manok.