NASSAU, Bahamas (AP) — Mag-ingat, may nagbabalik na Tiger Woods. At ang bangis niya’y kakaiba sa nakalipas na taon.

Sa kanyang unang aktibong kompetisyon matapos ang 10-buwang pahinga dulot ng surgery sa likod, tumipa ang pamosong golf superstar ng 3-under 69 para sa tatlong stroke na layo sa nangungunang si Tommy Fleetwood sa opening round ng Hero World Challenge nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

tiger-woods-2009-us-open copy

“For me, I thought I did great,” pahayag ni Woods.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Hindi lamang ang mga kalaro at ang mga tagahanga ang nagkagulo sa pagbabalik sa golf course ng 14-time major champion.

“Tiger must be there,” sambit ni Dustine Johnson. “Because there’s 40 people instead of four.”

Nagdagdag ng isang oras sa coverage ang Golf Channel at binaha ang social media nang paksa hingil sa pagbabalik ng isa a pinakasikat na atleta sa mundo.

Kabilang sa hindi nagpahuli na mag-post sa Twitter si Steph Curry, ang Golden State Warriors’ two-time MVP at naglaro ng pro gold sa Web.com Tour event nitong Agosto.

“The wait is over. The wait is over,”mensahe ni Curry.

Iginiit naman ni Olympic swimming champion Michael Phelps na “I was pumped to be watching” Woods on TV again.

Marami ang naghihintay sa pagbabalik ni Woods at umaasahang makababalik siya sa kompetisyon matapos ang ilang taong pahinga dulot ng operasyon sa kanyang likod at pagkadawit sa kontrobersya sa nakalipas na buwan na nagresulta sa kanyang pagkaaresto sa isyu ng DUI.

“I was in my head thanking all the people who have helped me in giving me a chance to come back and play this round again. There were a lot of people who were instrumental in my life — friends, outside people I’ve never bet before, obviously my surgeon. I was very thankful,” ayon kay Woods.