Ni: Fer Taboy at Ruel Saldico

Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang anim na kasamahan niya makaraang tambangan ang kanilang police mobile sa Labo, Camarines Norte, kahapon.

Iniulat ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) na tinambangan ang nasa 10 pulis sakay sa mobile bandang 1:00 ng umaga sa Barangay Daguit, Labo.

Ayon sa police report, binabagtas ng dalawang police mobile ang Sitio Binuang sa Bgy. Daguit nang pagbabarilin ng mga rebelde ang grupong pinamumunuan ni PO2 Rommel Orante.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nasawi sa ambush si PO2 Richard Abad, habang sugatan naman sina PO2 Ronald Gutierrez, PO2 Ericson De Vera, PO1 Jeffrey Tarrobago, PO1 Pedro Valeros, PO1 Romar Umandap, at PO1 Johnson Espaṅa.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng pulisya, katuwang ang Philippine Army, laban sa mga rebelde.