Muling ipinaabot ni United States President Donald J. Trump ang kanyang suporta kay President Rodrigo Duterte sa presentation of credentials ni incoming Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez sa White House nitong Miyerkules, Nobyembre 29.

Malugod na tinanggap ni Trump si Romualdez sa seremonya sa kanilang “cordial conversation” na tumagal ng 10 minuto. Sa kanilang pag-uusap, muling binanggit ng US president ang suporta nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Pilipinas.

Matapos maluklok sa puwesto sa Philippine Embassy sa Washington, D.C., kaagad na sinimulan ni Romualdez, kasama ang delegasyon mula sa Pilipinas, ang negosasyon para sa posibleng bilateral Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng dalawang bansa.

“This early follow-up is a clear demonstration of the two countries’ shared resolve to enhance our long-standing partnership for mutual prosperity,” ani Romualdez. - Roy C. Mabasa

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador