Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Somali na nagtangkang magtungo sa United Kingdom sa pagpapanggap bilang Swedish at paggamit sa Manila bilang transit point.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhang impostor na si Abdinajah Mohamoud Aden, 23, na dumating sa NAIA 2 terminal nitong Nobyembre 25 at lulan sa Philippine Airlines flight mula sa Dubai.

Sinabi ni Morente na ang Somali, na dumating bilang transit passenger, ay pasakay na sa kanyang connecting flight patungong London, nang dakpin ng mga miyembro ng BI travel control and enforcement unit (TCEU).

Hindi nagtagal ay nag-book ng unang bakanteng flight ang pasahero, ayon kay Morente, idinagdag na ang insidente ay ipinaalam sa mga tauhan ng British embassy sa Maynila para sa kanilang impormasyon.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

“What is his intention? Why is he travelling to London?“ tanong ni Morente.

Ini-report ni BI port operations division chief Marc Red Mariñas na hinuli si Aden matapos nitong magpakita ng Swedish travel document sa halip na pasaporte.

“It was only during questioning that he was compelled to produce his Somali passport which he had hidden in his luggage,” ani Mariñas.

Idinagdag ni Mariñas na ayaw makipagtulungan ng pasahero habang ito ay kinakapanayam, kahit inamin niyang binili niya, sa halagang $3000, sa isang kaibigan sa Somalia ang kanyang Swedish travel document upang makabiyahe sa UK. - Jun Ramirez at Mina Navarro