Pinanindigan ni National Youth Commission Undersecretary Aiza Seguerra ang karapatan ng mga lesbian, gay, bisexual at transsexual sa pagdalo niya sa 4th LGBT National Conference sa Cebu na may temang ‘Karaniwang LGBT’.

Binigyang-linaw ni Seguerra ang pakikipaglaban ng mga LGBT hinggil sa same sex marriage. Aniya, hindi pagpapakasal sa simbahan ang kanilang habol kundi ang mabigyan ng pagkilala ng estado sa kanilang karapatan bilang mag-asawa.

Mensahe niya sa publiko, kailangan ang pakikipagtulungan para makamit ang tamang balanse ng mga karapatan na makukuha ng lahat – LGBT man o hindi. - Beth Camia

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist