Matatanggap na ng household service workers (HSW) sa Metro Manila ang kanilang unang dagdag sahod simula nang maipasa ang Kasambahay Law noong 2013.
Sa bagong wage order, itinaas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Commission-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang minimum wage para sa HSWs sa ilalim ng hurisdiksiyon nito ng P1,000.
“Upon the effectivity of this Wage Order, the new monthly minimum wage rate for domestic workers in the National Capital Region shall be P3,500,” saad ng RTWPB.
Magkakabisa ang kautusan sa loob ng isang buwan o 15 araw matapos itong mailathala sa pambansang pahayagan.
Bukod sa RTWPB-NCR, itinaas din ng regional wage board sa Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Bicol Region, at Central Visayas ang minimum wage ng kanilang HSWs mula P2,500 sa P3,000. - Samuel P. Medenilla