INIULAT ng British newspapers na itatalaga sina Prince Harry at Meghan Markle bilang Commonwealth super envoys, na bibisita sa mga bansang hindi na kayang puntahan ni Queen Elizabeth II.
Binawasan ng mahal na reyna ang kanyang mahahabang biyahe simula nang tumuntong sa 90 anyos at ipinapalagay na sabik siyang gamitin ang popularidad ng newly engaged couple para palakasin ang mga relasyon ng Commonwealth.
Simula nang ipahayag ang engagement ng apo ng reyna na si Prince Harry sa aktres na si Meghan, nagsimulang bumaling ang atensiyon sa usap-usapan kung ano ang maaaring gampanan nilang papel sa royal family.
Ang suhestiyon ay ang pagiging ideyal ni Markle, may African-American background, para palakasin ang relasyon ng Commonwealth sa South Africa, Canada, New Zealand at Australia.