VERY proud ang aktres na si Michelle Williams na nasa right side siya ng sexual harassment scandal ni Kevin Spacey, na ikinatanggal nito sa bagong pelikula.

Naghahanda na si Williams at ang kanyang castmates, kasama si Kevin, para ilunsad ang All the Money in the World nang akusahan ang bituin ng The Usual Suspects ng inappropriate behaviour ng isang 14-anyos na binatilyo noong mid-1980s.

Michelle Williams
Michelle Williams
Kaagad na sinuspinde ang produksiyon ng TV drama ng aktor na House of Cards sa paglutang ng mas marami pang mga alegasyon at sunod na sinipa si Kevin sa Netflix show.

Pagkaraan ng ilang araw, nagdesisyon si Ridley Scott na alisin ang mga eksena ni Kevin sa kanyang Getty family drama, at muling kunan ang mga eksena nito kapalit ang si Christopher Plummer, na orihinal na nag-audition para gumanap na bilyonaryong si J. Paul Getty.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Ngayon lang nagsalita si Michelle, gumaganap bilang Gail Harris sa pelikula, simula nang pumutok ang eskandalo. Aniya sa Entertainment Weekly, “I’m so very proud to be a part of this (film). We’re all here for Ridley. “When this idea (to reshoot) was hatched I immediately started to feel better.

“This doesn’t do anything to ease the suffering of people who were all too personally affected by Kevin Spacey, but it is our little act of trying to right a wrong, and it sends a message to predators: ‘You can’t get away with this anymore. Something will be done’.”

Kakatwa na ang huling pelikula ni Williams ay kinabibilangan ng Blue Valentine at My Week with Marilyn, na gawa ng The Weinstein Company ni Harvey Weinstein.

Ang expose ng New York Times tungkol sa behavior ni Harvey ang nagbunsod ng sunud-sunod na sexual misconduct accusations sa Hollywood nitong nakaraang dalawang buwan.

Ang All the Money in the World ay nakatakdang ipalabas sa Disyembre 22, sa kabila ng kontrobersiya kay Kevin. - Cover Media