Ni REGGEE BONOAN

NAKATSIKAHAN namin ang kaibigan naming taga-Cebu na konektado sa pamilya ni Ellen Adarna at nagpa-update kami sa sitwasyon ng sexy actress at ni John Lloyd Cruz.

ELLEN AT JOHN LLOYD copy

Kumalat kamakailan ang balitang buntis si Ellen na si Lloydie nga ang itinuturong ama.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Kasunod nito ang napabalita ring pamamanhikan ng aktor sa pamilya ni Ellen, at ang madalas na pagtungo sa Cebu kung saan nakatira ang magulang ng dalaga.

Four days ago, may post sa Instagram account na jlc_ellen na nasa hapag-kainan sina Ellen (nagbabalot ng lumpia), daddy at mommy na kausap si John Lloyd na nakahawak sa ulo at nakangiti.

Nitong Huwebes ng gabi, nag-post ulit na magkakasamang nag-dinner ang mga kaibigang babae ni Ellen kasama si Lloydie at nag-toast pa sila, pero hindi kasama ang dalaga at nabasa namin sa komentong, “Buntis nga! Hindi makainom, eh, ha-ha-ha.”

Pagkatapos ng dinner ay tumuloy ang grupo sa isang karaoke bar at kinakantahan ni JLC si Ellen ng When You Say Nothing At All ni Ronan Keating habang kilig-kiligan naman ang dalaga at panay ang hiyawan ng mga kaibigan nila.

Kaya ang tanong namin sa kaibigan namin (na hindi namin tutuluyin ang pangalan), totoo nga bang namanhikan na si John Lloyd sa pamilya ni Ellen?

“Actually, mas maganda kung sina Ellen na lang magsabi, hindi kami allowed magsalita for them,” sagot ng source.

“Siguro naman nababasa na rin naman ninyo kung ano ang latest sa kanila kasi pino-post naman yata nila. Basta nirerespeto namin sina Ellen at John Lloyd.”

Kailan aamin ang dalawa, hirit pa namin.

“’Yan ang abangan natin, ha-ha-ha,” tumatawang sagot na biglang nagseryoso at makahulugan ang sinabing, “happy kami for Ellen.”

Happy dahil natagpuan na ang ‘forever’ o dahil buntis siya, balik-tanong namin pero hindi kami sinagot.

Anyway, kapansin-pansin ang loose na blusang asul na suot ni Ellen sa dinner nila ni Lloydie kasama ang mga kaibigan, para siguro hindi mahalata ang paglaki ng tummy niya?

Alam ng lahat na mahilig sa mga fit na damit ang dalaga.

Samantala, naka-indefinite leave pa rin si Lloydie sa sitcom nitong Home Sweetie Home ayon naman sa nakausap naming taga-ABS-CBN, kaya hindi pa naman pinapatay ang karakter ng aktor.