HONOLULU (AP)— Ilang araw matapos sinubok ng North Korea ang pinakamalakas nitong missile, binuhay ng Hawaii ang tunog na hindi narinig sa isla simula nang magtapos ang Cold War.

Ang buwanang pagsubok ng siren warning system para sa tsunami at iba pang natural disasters ng Hawaii ay nagdagdag ng isa pang tunog kahapon – na dinesenyo para alertuhin ang mga residente sa napipintong nuclear attack.

“We believe that it is imperative that we be prepared for every disaster, and in today’s world, that includes a nuclear attack,’’ sabi ni Hawaii Gov. David Ige.

Sinabi ni Ige na titiyakin ng bagong test na alam ng publiko kung ano ang kanilang gagawin sakaling magkaroon ng pag-atake. Kapag pinakawalan ang missile, mayroong halos 20 minuto ang mga residente at turista para maghanap ng mapagtataguan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture