NATATANGI at makabuluhang pagganap ang ibibigay ni Empress Schuck sa kanyang muling pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Ipapamalas niya ang hirap at panghuhusgang pinagdaraanan ng isang taong may HIV o human immunodeficiency virus bilang suporta sa World Aids Day kahapon, Biyernes (Dec 1).

Nang malaman na HIV positive siya, palagi nang niiwasan, nilalayuan, at pinandidirihan si Liza (Empress) ng mga tao sa paligid niya. Nahawaan siya ng sakit ng kanyang namatay na asawang si Bruno (Ivan Padilla).

EMPRESS Schuck
EMPRESS Schuck
Bagamat ganito na ang kanyang sinapit, hindi siya pinabayaan ng kanyang magulang. Sa katunayan, sila pa ang nag-udyok sa kanya upang lumantad at ibahagi ang kanyang istorya bilang pangalawang taong nagkaroon ng HIV sa Pilipinas.

Naging aktibo siya sa nilahukang HIV advocacy group at bagamat malinis at maganda ang kanyang hangarin na ibahagi ang personal na karanasan para magsilbing babala sa marami, ay tila marami pa rin ang hindi nakakaunawa at sadyang mapanghusga.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Paano kinaya ni Liza ang lahat ng sakit na dinanas mula sa mapangmatang lipunan? Anu-ano pa kayang pagsubok ang kanyang hinarap nang lumantad na siya sa publiko?

Mula sa panulat ni Mary Rose Colindres at sa direksiyon ni Nuel Naval, makakasama rin ni Empress sa upcoming episode sina Lito Pimentel, Rayver Cruz, Tanya Gomez, Buboy Gorovillo, Angelo Ilagan, Nikka Valencia, Erin Ocampo, Hannah Ledesma, at Sebastian Castro.