Japan's Emperor Akihito  (AP Photo/Shizuo Kambayashi)
Japan's Emperor Akihito (AP Photo/Shizuo Kambayashi)

TOKYO (AP) – Sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na binabalak ni Emperor Akihito na bumaba sa trono sa Abril 30, 2019, ang unang abdication sa loob ng halos 200 taon.

Sa panahong iyon, 85 anyos na ang emperor at binanggit niyang dahilan ang kanyang katandaan. Ang kanyang panganay na anak na lalaking si Crown Prince Naruhito ang uupo sa trono makalipas ang isang araw, sa Mayo 1, 2019.

Napagdesisyunan ito kahapon sa pagpupulong ng Imperial House Council, na kinabibilangan ng mga politiko, judicial officials at mga miyembro ng imperial family.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina