Ni LITO T. MAÑAGO

MAAGANG natanggap ni Edgar Allan Guzman ang isa sa pinakamagandang birthday gift (he turned 29 nitong November 20), ang pagkakapili sa Deadma Walking bilang isa sa official entries sa gaganaping 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25, Christmas Day.

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman
“Early birthday gift ito sa akin ni Lord,” simulang kuwento ng award-winning actor sa announcement at presentation ng walong official entries sa Club Filipino last November 17. “Habang nagda-drive ako papunta rito, tumawag na sila sa akin, pati si Sir Noel (Ferrer, his manager) to tell me the good news. Nakapasok daw kami. Nagdasal ako. Early birthday gift.

“Best birthday gift, kasi last year hindi naging okay ang birthday ko. Hindi ganoon kasaya at kaespesyal pero this time, parang this is another opportunity for me. May nagbubukas na naman na pinto for me. Special lang ang birthday ko kasi may natanggap akong good news. Actually, after namin gawin ang movie na ito, every night, every day, ipinagdarasal ko na sana mapili ang movie namin sa filmfest.”

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Excited ang aktor ng My Korean Jagiya sa MMFF 2017. Huling appearance niya sa local filmfest was six years ago in 2011 via Regal Films’ Shake, Rattle & Roll 13.

“Para sa akin napaka-significant ng moment na ito kasi kababalik ko rin. Nakagawa ako ng SRR sa MMFF before pero hindi ako ang bida. This time nakapasok ako sa MMFF na dalawa kaming bida,” sambit ng binata.

Ipinagmamalaki ni EA ang pelikulang pinagbibidahan nila ng kaibigan niyang si Joross Gamboa at kung bakit kailangan itong abangan, tangkilikin at panoorin sa darating ng festival.

“Naku, katatawanan!” mabilis na tugon ni Edgar. “May pagka-drama ng konti dahil du’n sa friendship. ‘Yung kahalagahan ng friendship natin. Hindi lang ito puro kalokohan, katatawanan pero may aral din ito sa dulo. Deadma Walking is about love and friendship.”

Malaki ang paniniwala ng aktor na tulad ng iba pang entries sa darating na pestibal ay papasukin din ng tao ang kanilang pelikula.

“Ako naman ay naniniwala na tayong mga Pinoy, every Christmas, mahilig tayong manood ng sine. Ang mga official entries ng MMFF, lagi nilang pinapanood. Malaki ang paniniwala ko na lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon, papanoorin at tatangkilikin ito ng mga tao,” aniya.

Litanya pa ni EA, “Na-excite akong makita ang mga taong bumubuo ng pelikula namin kasi from the start, kapit-bisig kami na sana makapasok ang pelikula namin. Worth it lahat nang pagod. Happy ako para sa sarili ko, para kay Joross, sa pagkakaibigan namin. Isa pang nata-touch ako kasi galing ako kay Joross. Back up dancer lang niya ako dati. Hindi ko ini-expect na magiging bida kami sa isang pelikula na makakapasok sa Festival. At para sa akin, napakaimportante ng moment na ito. Thankful kami ni Joross.”

Ang Deadma Walking ay directorial debut ni Julius Alfonso, mula sa script ng Palanca winner na si Eric Cabahug at produced ng T-Rex Entertainment Productions ni Rex Tiri.