AKSIYONG umaatikabo ang muling matutunghayan ng bayang karerista sa paglarga ng 24-race, tampok ang Chairman’s Cup at 3YO Imported Fillies Championship, ng Philippine Racing Commission bukas sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

sanchez
sanchez
Binubuo ng limang stakes races, 18 rating-based handicapping system at dalawang karera tampok ang dalawang taong mga pangarera ang aabangan tampok ang Chairman’s Cup na isasagawa bilang pagkilala kay dating Philracom Chairman Jose Ferdinand M. Rojas II, gumabay sa racing body mula 2008 hanggang 2011.

Ipaparada ni multi-titled owner Hermie Esguerra ang dalawang pambato ---- Metamorphosis, sakay si jockey FM Racquel at Salt and Pepper, gagabayan ni jockey Pat Dilema – sa 2,000-meter Chairman’s Cup.

Matikas ang huling sampa ni Dilema nang gabayan sa panalo ang Speedmatic sa Philracom Juvenile Stakes Races sa nakalipas na linggo sa San Lazaro Park.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakaabanga naman ang mga pambato nina Benjamin Abalos III’s Boxmeer (Jockey MM Gonzales), Leonardo Javier Jr.’s Electric Truth (MA Alvarez), Wilbert Tan’s Pangalusian Island (KB Abobo), Benjamin Abalos Jr.’s Shining Vic (JB Hernandez) at Roberto Inigo’s Smokin Saturday (JT Zarate).

May kabuuang P2 milyon ang premyo at naghihintay sa pitong kabayong panlaban sa Chairman’s Cup ang top purse na P1.2 milyon, habang ang runner-up ay may P450,000 at ang ikatlo at ikaapat na puesto may P100,000 at P70,000, ayon sa pagkakasunod.

Hatawan din ang mga maglalaban sa Philracom 3YO Imported Fillies na may distansiyang 2,000 meters, tampok ang SC Stockfarm coupled entries na Already Feisty (Jockey JA Guce) at Brilliance (KB Abobo).

Sasabak din sa karera na may kabuuang premyo na P1.5 milyon ang Cerveza Rosas (JB Hernandez) ni Benjamin Abalos Jr. at Naughty Girl (Val Dilema) ni Narciso Morales.

Tatanggap ang kampeon ng P900,000, habang ang runner-up ay may P337,000 at ang ikatlo at ikaapat ay may P187,500 at P75,000, ayon sa pagkakasunod.

“We expect another exciting day at the racetrack,” sambit ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “Some of the industry’s best runners are running and so we can anticipate another good show for all Filipino racing fans.”