NAGKASYA sa tabla si Nelson Mariano III sa kapwa Fide Master na si Mari Joseph Turqueza sa huling laro para makopo ang titulo sa katatapos na 3rd edition ng Bato Invitational Chess Cup na itinaguyod ni PNP chief PDirector General Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Martes sa Sports Center sa Camp Crame, Quezon City.

Dahil sa tabla, nagkaroon ng three-way tie sa pagitan nina Mariano, Turqueza at Danilo Tiempo na may tig-5.0 puntos.

Subalit nakopo ni Mariano ang korona matapos manaig sa tiebreak points. Tumapos sina Turqueza at Tiempo ng ika-2 hanggang ika-3 puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga tinalo ni Mariano, isang chess organizer mula Bacoor, Cavite sina Morgan Aguilar sa Round 1, Danilo Tiempo sa Round 2, Laurence Wilfred Dumadag sa Round 3, Ruvillo Paulin sa Round 4, Thailand blitz king Alvin Roma sa Round 5 bago nakipag-draw kay FM Mari Joseph Logizesthai Turqueza sa Round 6.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa isang banda ay masayang tinanggap ni PSupt. Jonas Pedro Escarcha ang kanyang tropeo mula kina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) vice president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe at PSSupt. Joselito Pajarillaga matapos magwagi sa executive division kung saan nakamit naman ni PSupt. Jaime Osit Santos ang ika-2 puwesto.

Kabilang sa mga nakapasok sa top 14 sina Thailand blitz king Alvin Roma, NM Ali Branzuela, NM Marlon Bernardino, Virgen Gil, Jerry Areque, Jerry Tolentino, NM Alcon John Datu, Ruvillo Paulin, NM Rolando Andador, Macwaine Molina at Reynold Miraflor. - Gilbert Espeña