Aabot sa 38 katao ang idiniretso kahapon sa selda sa pagtatapos ng “warning phase” para sa mga lumabag sa mga ordinansa sa Caloocan City.

Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, Caloocan police chief, isinampa ang kaso sa unang batch ng mga lumabag na pinosasan matapos ang “warning phase.”

Matatandaang inanunsiyo ni Modequillo na ang mga lalabag sa mga ordinansa ay mahaharap sa mga parusa at kaso, sinabing binigyan na sila ng tamang oras sa mga babala.

“This time, charges were already filed to show to people that we are not kidding. We want them to be disciplined,” sabi ni Modequillo sa Balita.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa ulat mula sa Caloocan police, aabot sa 38 katao ang inaresto ng mga pulis at mga opisyal ng barangay sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar at sa ilegal na pagsusugal mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga.

Hinuli rin ang 12 menor de edad sa paglabag sa curfew. Sila ay pawang dinala sa City Social Welfare Development (CSWD), ayon kay Modequillo.

“We will not stop in conducting simultaneous police operations until the violators stopped,” ani Modequillo. - Kate Louise Javier