Ni: Leandro Alborote
GERONA, Tarlac – Sugatan ang isang motorcycle rider at angkas niya nang makabanggaan nila ang isang van sa Manila North Road sa Barangay Magaspac sa Gerona, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ni SPO3 Ernesto Campo, Jr. ang mga biktimang sina Mark Jonathan Basijan, 25, ng Marikina Heights, Marikina City; at Jenny Ann Nebul, 25, dalaga, ng Bgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal.
Ayon sa report ng Gerona Police, sakay ang mga biktima sa Yamaha Sniper motorcycle nang mabangga ito ang Isuzu Elf Reefer van (AWC-484) na minamaneho ni Dino Narbonita, 26, may asawa, ng San Antonio Village, Baguio City.