NEW YORK (TIME) – Pumanaw na si Anthony Senerchia Jr., naging inspirasyon ng viral ALS Ice Bucket Challenge, noong Nobyembre 25 sa edad na 46, matapos ang 14-taong pakikipaglaban sa amyotrophic lateral sclerosis.

“He worked tirelessly to raise awareness for ALS and was directly responsible for the world-renowned Ice bucket challenge,” nakasaad sa kanyang obituary, na tinawag siyang “a fireball who tried everything in life.”

Si Senerchia, tubong Pelham, New York, ay nasuring may ALS o mas kilala sa tawag na Lou Gehrig’s disease noong 2003.

Naging viral ang ALS Ice Bucket Challenge at lumikom ng $115 milyon sa loob ng dalawang buwan noong 2014 — napunta ang pera sa pagpopondo sa pananaliksik sa sakit.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina