TINULUNGAN ng dumadagundong na tagumpay ng Thor: Ragnarok ang Walt Disney Studios upang maging unang distributor sa kasaysayan na kumita ng $5 bilyon sa ikatlong pagkakataon sa taunang global box office sales, ayon sa pahayag nitong Huwebes.

Napipintong lumagpas sa $800 milyon ang kikitain ng superhero movie, gawa ng Marvel subsidiary ng Disney, sa buong mundo, at ita-tally ang kinita ng kumpanya sa 2017 sa $1.8 bilyon sa North America at $3.2 bilyon sa ibang bansa.

Chris Hemsworth ( Jamie McCarthy / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP
Chris Hemsworth ( Jamie McCarthy / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP
Ito ang ikatlong pagkakataon sa loob ng isang taon na hihigitan ng entertainment giant ang $5 billion benchmark, sa sure-fire biggest hit nito na Star Wars: The Last Jedi, na ipapalabas sa mga sinehan sa susunod na dalawang linggo.

Noong nakaraang taon ang una, nang maglabas ang lahat ng limang top brands ng Walt Disney Studios – ang Disney, Walt Disney Animation Studios, Pixar Animation Studios, Marvel Studios at Lucasfilm – ng mga pelikula na nagbigay sa kumpanya ng industry-first $7 bilyon box office.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Ang malaking bahagi ng tagumpay ng Disney ngayong taon ay dahil sa live-action remake ng Beauty and the Beast, ang highest grossing film worldwide ngayong 2017 sa kinitang $1.3B.

Naging makasaysayang ang taong ito para sa Marvel, na nagdiriwang ng unang hat-trick na $100M-plus domestic openings, na sinimulan noong Mayo ng Guardians of the Galaxy Vol. 2 at pagkaraan ng isang buwan ay sinundan ng Spider-Man: Homecoming.

Ang dalawang pelikulang ito ay lumagpas din sa $800M sa buong mundo, gumawa ng trifecta (kabilang ang Thor) na una para sa Marvel, na inaasahan ng parent company na bumubuo ng kalahati ng top 10 highest grossing films of 2017. - AFP