Ni: Nitz Miralles
KAHIT hindi diniretso ni Baste Duterte, alam agad ng mga nakabasa kung para saan ang pagko-congratulate niya sa ex-girlfriend na siEllen Adarna. Naintindihan ng netizens kahit sa Bisaya ang post ni Baste na, “Luh naa lagi ka diri.
Congrats dai nahibaw ko nagkita ming ingking sa davao.”
Agad naisip ng mga nakabasa sa post ni Baste na ang nabalitang pagbubuntis ni Ellen ang rason nang pagko-congratulate nito na sinagot naman nito ng, “Laaamiiiiaaahhh Ahahhaahaha naka acting ka lagi tabangggggg.
May mga nagtataka pala kung bakit hanggang ngayon ay hindi inaamin at kinukumpirma nina Ellen at John Lloyd Cruz ang kondisyon ni Ellen gayong halata na raw ang pagbubuntis nito.
Tama nga siguro ang fans, may kinalaman sa endorsements nila kung bakit hindi pa maamin nina Ellen at John Lloyd na magiging parents na sila. Inaayos pa siguro ang kontrata nila sa mga endorsement nila at inaayos din ang right word na gagamitin sa ilalabas na official statement.
Ang importante naman, masaya ang dalawa at na-meet pa nga ni John Lloyd ang parents ni Ellen. May lumabas kasi na video ng salu-salo nila habang kumakain.