DHAKA (REUTERS) – Nagdiwang si Pope Francis ng malaking outdoor Mass kahapon para ordinahan ang mga bagong pari mula sa Bangladesh sa kanyang unang araw sa bansa kung saan nakatakda siyang makikipagpulong sa Muslim Rohingya refugees mula sa Myanmar kinagabihan.
Mahigit 100,000 katao ang dumalo sa misa sa Suhrawardy Udyan Park ng Dhaka, ang lugar ng memorial at museum ng kalayaan ng Bangladesh mula sa Pakistan noong 1971, kung saan dumating si Pope Francis sakay ng open popemobile.
Isang porsiyento lamang ang mga Katoliko sa 169 milyong populasyon ng karamiha’y Muslim Bangladesh.
“I know that many of you came from afar, for a trip for more than two days,” sabi ng papa sa madla sa kanyang sermon. “Thank you for your generosity. This indicates the love you have for the Church.”