Ni: Jimi Escala

MUKHANG umiiwas si Atak Arana sa press. Dati naman kasi ay mabilis siyang sumagot kapag may isyu siyang idedepensa.

Huli naming nakausap si Atak noong lumabas ang balita sa pagkakakulong niya dahil sa akusasyon sa kanya ng bell boy sa isang Hotel.

Pero ngayon ay ayaw nang magsalita si Atak!

Enrique Gil, gusto pa rin makatambal si Liza Soberano; may collab daw?

Ayon sa isang kaibigan niya ay palaging nagmumukmok ngayon si Atak. Hindi raw matanggap ng komedyante ang pagtanggal sa kanya sa ilang show sa GMA Network lalo na sa Sunday Pinasaya.

Regular si Atak sa nasabing noontime Sunday show na malaki ang tulong na nagawa sa kanya ng palabas para mas makilala.

Kung sinu-sino na raw ang kinakausap ni Atak para lang pakiusapan ang management na huwag siyang tanggalin sa show, pero tinanggal pa rin siya.

“Sa totoo lang, eh, nagsisisi siya sa ginawa niyang ‘yun na talaga namang nakakahiya. Kaya hayun, sa ganda ng exposure niya at ang ganda ng natanggap niyang talent fee plus siyempre ang daming raket na pumasok sa kanya dahil sa show niya sa GMA parang iniisip na lang niya ngayon na parang isang panaginip lang ang nangyari,” sey ng source namin.

Umaasa ang source na sana ay ibaba na lang sa suspension ang parusa ng Kapuso Network kay Atak. Para mabigyan pa ito ng trabaho sa mga susunod na buwan.

“Sa totoo lang naman kasi, eh, may talent din naman si Atak at may mga ginawa rin naman siyang kontribusyon sa show.

Marunong din naman siyang makisama sa mga stars at sa produksiyon kung kaya halos lahat naman, eh, umaasa na makakabalik pa rin siya sa show,” sey ng kaibigan ni Atak.

May mga raket pa naman si Atak sa mga probinsiya at comedy bars. Pero hindi na nga raw kasing lakas noong mga panahon na napapanood ang komedyante sa Sunday Pinasaya.