NAGHIHINAY-HINAY ngayon ang producer na si Timbaland simula nang muntikang overdose sa pag-inom ng prescription pills.

Ibinunyag ng hitmaker, na nakipagtrabaho kina Jay-Z at Justin Timberlake, na nagsimula siyang uminom ng OxyContin para sa sakit na nararamdaman sa tama ng bala na kanyang natamo noong binata pa siya. Ngayong ay 30 taong gulang na siya.

Nauwi ang kanyang adiksiyon sa pagkasira ng relasyon nila ng asawang si Monique Idlett at pagkakaroon ng problema sa pera.

“Music is a gift and curse,” aniya sa Rolling Stone magazine. “Once you’re not popping, it plays with your mind. The pills helped block out the noise... I remember Jay-Z told me one time, ‘Don’t do no more interviews’ - because I was saying crazy s**t.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nangamba ang girlfriend ni Timbaland na si Michelle na maaari siyang mamatay habang natutulog noong gumon na gumon siya sa gamot.

“All I can tell you is that there was a light,” sabi niya. “I woke up trying to catch my breath, like I was underwater. But through that whole thing I saw life - I saw where I would be if I don’t change, and where I could be if I did. But I thought about Michael Jackson. I didn’t want to be old and taking these pills.”

Sinimulan ni Timbaland ang kanyang panibagong buhay at ngayon ay nakatuon ang pansin sa kanyang kalusugan, pamilya at musika.

“I’ve never felt better,” patuloy niya. “I’m doing stuff I never knew I could do. Right now, I feel like what I can do with my legacy is to give back. Which means finding the youth of today. Look at Quincy Jones - he was 50 when he did Thriller! What’s my Thriller!” - Cover Media