Ni ROBERT R. REQUINTINA

INIHAYAG ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, na isa mga hurado sa katatapos na Miss Universe 2017 beauty pageant sa Las Vegas, Nevada, na proud siya kay Rachel Peters, ang naging kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyong pageant.

Pia copy copy

“And to @rachelpetersx, thank you for making us proud. Sitting on the other side, it was so nice to witness a Miss Philippines perform and have the loudest cheer in the crowd. Keep your head up. We’re all so proud of you,” lahad ni Wurtzbach sa Instagram.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Maraming fans ang nagkaroong ng diskusyon nang ipahayag na isa si Pia sa mga magiging hurado, dahil si Peters ang magrerepresinta para sa bansa.

Ayon sa iba, maaaring maapektuhan ang desisyon ng judges dahil ang dalawang beauty queen ay nanggaling sa popular rival beauty camps sa bansa.

Sinanay si Wurtzbach sa ilalim ng Aces and Queens ni Jonas Gaffud samantalang si Peters ay sinanay naman ng Kagandahang Flores ni Rodgil Flores.

Pumasok si Peters, 26, ng Camarines Sur, sa Top 10 ng 66th Miss Universe contest nitong Lunes.

Hinikayat ng Filipino-German beauty ang lahat ng mga kandidata ngayong taon na patuloy na maging inspiring at empowering nang mag-wish siya ng tagumpay sa lahat ng mga nagwagi.

“Sending love to all the ladies at Miss Universe 2017! @missuniverse Congratulations to our new Miss Universe @demileighnp from South Africa! A well deserved win! We can’t wait to witness your journey as Miss Universe,” aniya.

Masaya rin si Pia sa nabuong pagkakaibigan nila ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaire ng France, na kinoronahan sa Maynila noong Enero.

“To @irismittenaeremf I’m so proud of you. You had an amazing reign as Miss Universe. I’m so happy that we got along so well and I gained a friend in you,” ani Wurtzbach sa IG.