PATULOY sa pamamayagpagag sa primetime ang La Luna Sangre sa kabila ng bago nitong katapat sa timeslot.
Ayon sa datos ng Kantar Media, mas tinutukan ang pagbubukas ng “Power Unlock” week ng Kapamilya soap nitong Lunes (Nov. 27) at nakakuha ng national TV rating na 31.4% mula sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sa 15.6% ng kasisimulang kalabang serye.
Sa naturang episode, nasaksihan ng mga manonood ang pagsumamo ni Malia (Kathryn Bernardo) sa buwan at paghiling niya na lumakas pa ang kanyang kapangyarihan para tuluyang matalo si Sandrino (Richard Gutierrez) at masagip si Tristan (Daniel Padilla). Tila narinig naman siya nito nang biglang pumula ang kanyang kamao.Agad-agad nag-trending sa social media ang emosyonal na monologue ni Kathryn at umani ng maraming papuri sa netizens.
“Nakakabilib talaga kapag naibigay nang maayos at malinis ng isang aktor o aktres ang kinakailangan sa isang eksena. Sa eksena ni @bernardokath, higit pa sa inaasahan ng mga manonood ang ibinigay niya. Ang mas nakakabilib doon ay ginawa pa niya ito sa gitna ng ulan. Ang hirap nu’n, ah,” sabi ni @julianmauricio.
Para naman kay @ iamKATHriiin, “Pinakamagandang panimula ito para sa #PowerUnlockWeek #LLSPowerUp WOOT WOOT! GINALINGAN!”
“Pwede ba natin bigyan pansin ang ginawang pag-arte ni Kathryn Bernardo sa eksenang ‘yun? Ibaaaa! Alamat ka talaga! Mata pa lang, lahat ng kailangang emosyon nakikita!” saad ni @iamtherealjenn
Ngayong nadagdagan na ang kapangyarihang taglay ni Malia, paano kaya niya ito gagamitin laban kay Sandrino? Mailigtas na kaya niya si Tristan bago pa ito malagutan ng hininga sa loob ng kabaong?
Lalo pang kaabang-abang ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.