NI: Mary Ann Santiago
Hindi lubos maisip ng isang lalaking wanted sa kasong pagnanakaw na ang pagdalaw niya sa kanyang mga kaanak ang magiging sanhi ng kanyang pagkaaresto sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Rolando Gonzales, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, inaresto si Raymund Bonifacio, alyas Kambal, 34, itinuturing na No. 5 most wanted person (MWP) sa Tondo, at residente ng 753 Int. 77, Raxabago Street, Tondo, bandang 2:45 ng hapon.
Una rito, nakatanggap ng tip ang mga pulis mula sa isang confidential informant na bumisita ang suspek sa kanyang kaanak sa Raxabago St., sa Tondo at agad silang sumalakay.