SEOUL (AP) – Matapos ang dalawang buwan ng katahimikan, nagpakawala ang North Korea ng pinakamalakas nitong armas kahapon ng umaga – isang bagong uri ng intercontinental ballistic missile na sa paniniwala ang observers ay kayang tamaan ang Washington at ang buong eastern U.S. seaboard.

Sinabi ng North sa special televised ilang oras matapos ang launch na matagumpay nitong pinakawalan ang tinatawag na Hwasong-15, ang bagong nuclear-capable ICBM na “significantly more” powerful kaysa naunang sinubok na long-range weapon ng North. Sinuportahan ng ibang gobyerno at analysts ang pahayag ng North na mas lumakas ang missile capability nito.

Naganap ang launch eksaktong 3:17 a.m. local time at dakong tanghali sa Washington, ang kabisera ng United States.

Sinabi ni Japanese Defense Minister Itsunori Onodera na bumagsak ang missile sa loob ng special economic zone ng Japan sa Sea of Japan, may 250 kilometro mula sa kanluran ng Aomori, na nasa dulong hilaga ng isla ng Honshu.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ni US Defense Secretary Jim Mattis na mas mataas ng lipad ng bagong missile. “It went higher, frankly, than any previous shot they’ve taken,” aniya sa mamamahayag sa White House.

Kaagad na gumanti ang Seoul sa pagpapakawala ng tatlong missile bilang show of force. Nagpahayag ng pagkabahala si South Korean President Moon Jae-in sa lumalawak na banta ng missile ng North.

“If North Korea completes a ballistic missile that could reach from one continent to another, the situation can spiral out of control,’’ ani Moon sa emergency meeting sa Seoul.

PH UMAPELA

Nagpahayag ng pagkabahala ang Pilipinas sa pagpakawala ng ICBM ng North Korea at umapela ng “peaceful resolution” sa isyu.

“We call on Pyongyang to commit to making meaningful progress towards the peaceful resolution of the issues facing the Korean Peninsula,” saad sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ikinalungkot din ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang patuloy na pagdedebelop ng Pyongyang ng mga armas, na nagpapalala ng tensiyon sa Korean Peninsula.

“Meaningful dialogue can only happen when the DPRK ceases such provocative and highly dangerous actions,” sinabi ni Cayetano kasabay ng panawagan sa DPRK na itigil ang nuclear weapons development program nito. - Roy C. Mabasa