Ni: PNA

INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Makati ang Japanese Encephalitis (JE) vaccination para sa 60,000 empleyado nito at mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.

“According to the World Health Organization (WHO) and the Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, JE is the leading cause of viral encephalitis and the leading cause of childhood neurologic infection and disability in Asia,” lahad ng officer-in-charge sa health department na si Dr. Bernard Sese.

Inihayag ni Sese na bagamat karamihan sa mga kaso ng nasabing sakit ay naitatala sa mga probinsiya, puwede ring magkaroon nito sa mga lungsod, gaya ng Makati.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Habang wala pang naitatalang insidente ng JE sa Makati, hindi ibig sabihin nito ay ligtas na ang mga taong naninirahan dito, dahil araw-araw ay iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang lugar ang nagpupunta sa lungsod at nakakasalamuha, aniya, at ito ang pinipigilang mangyari ng programang ito.

Ayon sa WHO, ang JE ay makukuha mula sa kagat ng lamok at ito ay may kinalaman sa dengue, yellow fever at West Nile viruses at ang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, paninigas ng leeg, pagkabalisa, coma at seizures.

Inilagay ng WHO ang fatality rate sa 30 porsiyento, at sinabing 20 porsiyento mula sa 30 porsiyento ng mga nakaligtas sa sakit ay nakaranas ng permanenteng problema sa pag-iisip, pag-uugali o neurological problems, gaya ng paralysis, paulit-ulit na panginginig, o hindi na makapagsalita.

Upang maiwasan ito, inirekomenda ng WHO ang pagbabakuna kontra JE sa “regions where the disease is a recognized public health priority”.

“Even if the number of JE-confirmed cases is low, vaccination should be considered where there is a suitable environment for JE virus transmission. There is little evidence to support a reduction in JE disease burden from interventions other than the vaccination of humans,” anito.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na ang malaking bahagdan ng maaapektuhan ng sakit ay mga bata, na nagbunsod upang ilunsad ng pamahalaang lungsod ang pagbabakuna laban sa JE.