Ni REGGEE BONOAN

KINIKILIG si Sharon Cuneta tuwing nakikita sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa set ng Unexpectedly Yours at naalala ang kanyang kabataan.

ROBIN SHARON JULIA AT JOSHIA copy

Maraming naging karanasan ang megastar sa showbiz at sa pakikipag-love team kaya hiningan siya ng maipapayo kina Josh at Julia.

Human-Interest

Kung ikaw si Misis: Payag ka, babaeng co-teacher ni Mister umaangkas sa motor niya?

“Acutally kapag nakikita ko sila naiinggit ako kasi ang magnet ko noon, hindi ko nilalahat pero parang hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa buhay ko na mali, ako ba’ng tagabayad utang ng tatay ko, ng kapatid, di ba?

“Parang ako ‘yung favorite na bunso, parang ang magnet ko mula noong ma-in-love ako, nasasaktan lang ako. Hindi naman lahat, naiinggit ako kasi nakikita ko sa kanila ang hindi ko nakita sa akin noon -- ‘yung devotion ni Josh.

“Nakita ko naman noon kaya lang si Josh mukhang faithful, parang feeling ko may mararating ang dalawang ito personal life-wise, love life-wise.

“’Yung akin lang, it’s one thing to be a love team for public consumption, but remember you two are real life human beings, and you have each other and you be there for each other. Please treasure each other because this business can do things to your mind and make you believe you can play around with someone’s feelings is not right.

“So, whether you mean to or not because ang daming babaeng hahabol sa ‘yo (Josh), ang daming lalaking hahabol sa ‘yo (Julia), focus on what and who is most important and then you don’t lose each other para pagdating ng araw hindi kayo nagsisisi.

“So you end up with the love of your life, you don’t settle or try to find happiness here and everywhere because you really don’t have it, hindi ganu’n. They’re so nice to watch together, they’re so meant for each other, saka ‘yung values nila maganda. She’s such a dream daughter and Josh, he’s a hardworking, he’s a good boy and the way he takes care of her reminds me of you know (Robin Padilla),” pahayag ng megastar.

Na-appreciate nang husto ni Julia ang mga payo sa kanila ni Sharon.

“Actually, it’s a very nice advice she gives to the two of us because she knows what we have and how important we are to each other and she always just... I don’t think she realize na ito ‘yung napaparating niyang mensahe sa aming dalawa. Pero what she’s saying na it’s good to balance your mind, your heart, there’s should be a balance palagi para sa huli, walang pagsisisi nga tulad ng sinabi niya,” ganting pahayag ni Julia.

Ang payo naman ni Robin kay Joshua, “Sabi nila, huwag na huwag kang mabuhay sa nakalipas, ang tamis ng kasalukuyan ang iyong namnamin at kailan man ay huwag mong problemahin ang kinabukasan. Kung ano itong meron ka at nararanasan mo sa kanya (Julia), tamisan mo pa nang tamisan.”

Napapangiting reaksiyon naman ni Joshua, “Parang tumutugma nga po lahat, ako kasi ‘yung tao na hindi over sa lahat, parang masyado akong excited sa mga susunod na mangyayari, hindi ko ini-enjoy kung ano’ng meron ako ngayon, kaya thank you po.”

Samantala, Graded A sa Cinema Evaluation Board ang pelikula Unexpedly Yours na kasalukuyan nang pinipilahan sa mga sinehan nationwide, mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina at under Star Cinema.