SINA Jay-Z at Kendrick Lamar ang top contenders sa 60th annual Grammy Awards, nangunguna sa nominasyon sa hip-hop at R&B ngunit pasok din ang ilang pop stars, kabilang sina Ed Sheeran, na malaki ang tsansang maiuwi ang premyo.
Mayroong walong nominasyon si Jay-Z para sa kanyang album na 4:44, na naglalaman ng pagbubunyag niya ng ilang dark personal confessions na may kinalaman sa kanyang lahi; nakakuha naman ng pito si Lamar para sa DAMN, ang critical favorite at smash hit sa streaming services, na paghahayag naman ng isyu hinggil sa pulitika at self-reflection. Mayroon namang anim na nominasyon si Bruno Mars, at mayroong tiglima sina Childish Gambino, Khalid, SZA at No I.D. (producer ni Jay-Z).
Bukod sa major awards na nagpapakita ng pagkakaiba sa kani-kanilang larangan, mahalaga rin ang Grammy nominations, dahil nangunguna ang mga minority artist, sa halos lahat ng prestihiyosong kategorya, kabilang ang record, song at album of the year.Ang mga maglalaban-laban sa record of the year ay sina Jay-Z para sa The Story of O.J.; Lamar para sa HUMBLE; Mars para sa 24K Magic; Childish Gambino para sa Redbone; at ang Latin pop phenomenon na Despacito ni Luis Fonsi at Daddy Yankee kasama si Justin Bieber.
Sa album of the year, magtutunggali sina Jay-Z, Lamar, Mars para sa kanyang 24K Magic, Awaken, My Love! ni Childish Gambino at Melodrama ni Lorde. - New York Times