Ni ROBERT R. REQUINTINA
NANGANGAILANGAN ng tulong si Miss Philippines Chanel Olive Thomas para makapasok sa Top 25 semifinalists ng Miss Supranational 2017 beauty pageant sa Krynica-Zdroj sa Poland sa Disyembre 1.
Mayroong dalawang paraan upang matulungan si Chanel na makapasok sa semi-finals spot sa popular na pageant sa Europe.
1) Miss Vodi Fan Favorite – I-download ang vodi app mula sa app store at gamitin ang MISSSUPRA2017 bilang referral code; o
2) Miss Internet – Sa pamamagitan ng pag-like o pag-love sa opisyal na larawan ni Chanel saMiss Supranational Facebook page.
“Voting will end on December 1. Winner of either will secure spot in Top 25,” lhad ng mga organizer ng pageant.
Si Olive, 26, ay ang pangalawa sa huli ng 2017 Binibining Pilipinas winners na makikipagtunggali para sa international crown.
Ang iba pang mga binibini na nakipagtunggali na ay sina Nelda Ibe, 1st runner-up, Miss Globe sa Albania; Elizabeth Clenci, 2nd runner-up, Miss Grand International; Mariel de Leon, sa Miss International; at Rachel Peters, Top 10, 2017 Miss Universe pageant. Si Katarina Rodriguez ay makikipagtunggali naman sa Miss Intercontinental sa Egypt sa susunod na taon.
Animnapu’t walong kandidata ang maglalaban-laban para sa titulo ng Miss Supranational. Noong 2013, si Mutya Johanna Datul ang kauna-unahang itinanghal na Asian at Filipino na nagwagi sa titulo.
Unang sumabak si Chanel sa Miss Philippines Earth 2015 beauty pageant nang maging kinatawan ng Nueva Ecija. Siya ay itinanghal na Miss Philippines Air, at ang nagwagi ay si Angelia Ong.
“I love being with nature. I’m all positivity and my purpose in life is to inspire and empower young girls and women to wholeheartedly believe in themselves and to follow their dreams,” ani Chanel.
Iniidolo ni Chanel ang kapwa Australian na si Nichole Kidman. “It would be an amazing to be in a movie with her and I guess we’d be sisters.”
Inihayag din ng masayahing Filipino-Australian beauty na nangangarap siyang maging motivational speaker pagkatapos ng patimpalak.
“I love self growth. I do this by reading books, listening to motivational speakers and speaking to inspiring people. Everyday I become a better version of myself!” ani Chanel.